Sa panulat ni Eunice Ermino
Litrato kuha ni Owel Rubio

Si Ka Christine Abalos, mas kilala bilang Blessy sa kanilang pamayanan, ay ang kalihim ng Barangay Tabucan, Paranas. Si Ka Blessy ay kasapi rin ng Tabucan Association for Progress and Development, isa sa mga samahang kalahok sa Community-Managed Road Maintenance Project  (CMRMP) sa Paranas, Samar.

Pinakahihintay niya ang pagsasangkatuparan ng CMRMP, ayon kay Ka Blessy. “Hindi naman kalakihan ang suweldo bilang barangay secretary… ‘Yong asawa ko walang permanenteng trabaho. Ngayon mas magaan ang buhay dahil alam mong may ipapakain ka sa anak mo… alam mong may pampaaral ka… alam mong kinabukasan may madudukot ka para pamasahe nila, pambili ng gamit… kung anong kailangan nila sa eskuwela, maibibigay mo kasi may ekstra ka. Isa sa pinakamaganda sa trabahong ito yung hawak namin ang oras namin, may oras ka sa pamilya habang kumikita ka.”
IMG_0116Facebook